Friday, May 21, 2010

Ganito Pala ang Pakiramdam...

1. Masakit pag nalaman mong nakalimutan nila kung ano ka na. Para bang di ka mahalaga para maalala nila.


2. Pano ba dapat gawin para madaling tanggapin ang katotohanan na yung mga taong parang tuturu turuan mo lang noon dahil mas senior ka ng konti eh Ma'am at Sir na ang itatawag mo sakanila ngayon? **Note1


3. Balibalita, Sa kabila daw, effective yung pagtatanggol sa kanila kahit kulang sa requirements. Pwede naman pala yung ganun eh. Sana ginawa din nila yung ganun sa amin..


4. Nagaral akong mabuti para maipasa yung exam sa international level at sa "house" level. Pero ano na bang napala ko dun? Ano na bang ipinagkaiba ko sa hindi pa pumapasa?


Hindi ako nagkakaron ng sama ng loob ng matagal na panahon. Pero pinapatunahan ata ng pagkakataon na there's a proper time for everything.. Ganito pala ang pakiramdam...






------------------------------------
**1--Wala naman akong sama ng loob towards those persons.. ang gusto ko lang eh matutunang tanggapin agad ang realidad.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home





Best Viewed in
1024 x 768
Internet Explorer